Hello Fellow Network Builders,
Welcome sa part 1 ng aking THE FLASH MARKETER campaign. Ipasisilip ko sa'yo ng libre ang ilan sa mga nilalaman ng eBook na ginagawa ko ngayon. Ipasisilip ko lang yung dalawang parte na kailangan ng isang network builder para gumaan at lumago ang iyong network marketing career.
Maraming Network builders ang nahihirapan at kadalasa'y natatakot sa ganitong sistema hanggang sa maisipan na nilang mag-quit at bumalik na lang sa rat race.
Ito rin ang kadalasang takot ng mga naiimbitahan ko sa opportunity ko. Takot silang magimbita ng mga kakilala nila para silipin ang MLM business nila. Tulad ninyo, nahirapan din ako na maginvite ng mga taong gusto kong makasama sa business ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagiimbita ko sa kanya. Ganito rin ba ang nararanasan mo?
Let me share to you yung mga traditional na itinuturo sa atin ng ating mga sponsor kung paano makakuha ng mga taong maiimbitahan mo sa iyong business opportunity.
1. Flyering - A very effective way of marketing your opportunity BEFORE but limited ang scope ng audience mo. You will spend thousands of pesos para ipamigay sa mga random people. Magbibilad ka sa araw at sisinghot ka ng makakapal na usok para mamigay ng flyers sa kalye.
2. Kidnap - A very unprofessional way of invitation na kung saan ay nagbibigay ka ng very misleading information para sumama sa'yo ang prospect mo.
3. Pamumusakal - Kakausap ka ng taong hindi mo kakilala at aalukin mo ng business opportunity mo.
4. House to house - Papasok ka sa isang village para mamigay ng flyers at magpresent ng iyong opportunity.
5. Cold Calling - Tatawag ka sa isang taong hindi mo kakilala at aalukin mo ng business opportunity mo.
Ilan lamang yan sa mga itinuro sa atin kung paano kumuha ng mga taong iimbitahan natin sa business mo. Kung susumahin mo ang lahat ng mga nagastos mo para sa mga ito, aabutin ka ng ilang libong piso sa gastos mo. Bukod mo pa yung mga pagkain mo,pamasahe mo at yung papakain mo sa prospect mo.
Ito ang kadalasang problema ng mga network builder lalo na sa mga first timer sa ganitong larangan.
1. Nawawalan sila ng panggalaw para sa network marketing business nila.
2. Puros rejection ang natatanggap nila at samo't saring objection na hindi nila ma-handle ng tama.
3. Nauubusan sila ng tao na makakausap para imbitahan sa kanilang business opportunity.
Kung tingin mo ay ito ang nararanasan mo ngayon. GOOD NEWS kaibigan at ibibigay ko sa'yo ngayon ang solusyon sa problema mo. Hindi ko masisigurado kung magkakaroon ka ng resulta dito dahil nakadepende sa'yo kung gaano ka kaseryoso sa ginagawa mo ngayon.
Ang strategy na ibabahagi ko sayo ngayon ay natutunan ko sa mga top earners ng iba't ibang MLM companies na kung saan, hindi sila nahihirapang imbitahan ang mga nakalista sa prospect list nila.
Bago ko i-share ang strategy na nadiskubre ko, gusto ko muna i-share sayo ang mga bagay na dapat mong matutunan bago mo imbitahan ang prospect mo.
Proper Mindset and Proper Posture - Ito ang pinakaunang kailangan mong matutunan. Kailangan handa ang isip at attitude mo para sa araw na ito. Kapag may good mental attitude ka,makukuha mo ang right approach para sa prospect mo. Paano naman ito gagawin, here are the steps:
Step 1:
Set your target number of people per day. Magstart ka muna sa 5-10 people per day.
Step 2: Always stick to your mind na
HINDI MO SILA KAILANGAN, IKAW ANG KAILANGAN NILA. Huwag mong isipin ang commission na makukuha mo kapag nagpay-in sila. Lagi mong iisipin na kausap mo sila dahil may gusto kang solusyonan sa buhay nila. Financial man yan o Health.
Step 3: Find your audience. Ituturo ko sa yo ngayon kung saan ka makakakuha ng maraming audience para sa business mo ng hindi lumalabas ng bahay at nabibilad sa sikat ng araw.
Ito ang kadalasang hindi napapansin ng mga network builders. Nawawalan sila ng mga high quality prospects dahil hindi nila alam kung paano gamitin ng tama ang INTERNET. Yes itinuturo sa atin na magandang medium of marketing your business ang internet ngunit paano nga ba gamitin ito para makakuha ng mga taong interesadong makita ang business mo?
Maaari ka paring lumabas ng bahay but I suggest na you should learn how to use the power of internet as early as now.
So saan mo ba makikita ang mga potential business partners mo? Simple lang, sa SOCIAL NETWORKING SITES. Common sites na pinupuntahan ng bilyong bilyong tao ay ang FACEBOOK. Imagine kung ang number ng prospects mo 2 Billion, may makukuha ka kaya?
Now that you know where to find your future business partners, simulan na natin kung paano ba ang tamang pagiimbita ng prospect.
Ito lang ang lagi mong tatandaan,
THE ONE WHO ASK THE QUESTION, CONTROLS THE CONVERSATION.
YOU SHOULD ALWAYS LISTEN ALSO TO YOUR PROSPECTS
As a network builder, ikaw ang dapat nagcocontrol ng inyong conversation at hindi si prospect. Ikaw ang magdidikta kung kailan mo ipapasok sa usapan ninyo ang business opportunity mo. Kadalasan kasi na network builder ay parang machine gun kung maginvite, halos naikwento na niya maging ang kabuuan ng marketing plan. Kaya ang resulta, nabobore ang prospect at hindi sumasali sa business niya.
TAKE NOTE: Your only job is to put excitement and curiosity sa pag-uusap ninyo. You should keep your prospect interested sa paguusap ninyo. Hindi lahat ng details dapat mong ibigay sa prospect mo.
So here are the easy steps on how to invite your prospects:
Step 1: Do the RAPPORT Intro(APPRECIATE YOUR PROSPECT)
Madalas na turo sa atin ay ang FORM. Kung hindi mo pa alam ang FORM, tanungin si Upline.Bago mo siya i-chat, magtour ka muna sa profile niya, hanap ka ng common ground ninyong dalawa. Sports,books,movies anything na pwede ninyong pagusapan under the sun. So here's the example script for you:
"Hi (Prospect Name), you look sharp/intelligent. Ano ang pinagkakaabalahan mo?" - mapapansin mo sa intro na ito ay lumalabas ang pagiging friendly mo at pagiging sociable na dapat yun naman talaga. Kailangan mahuli mo ang kiliti ng prospect mo at ma-drive mo siya para magresponse.
Pwede rin ito,
"Hi (Prospect Name), pareho pala tayong mahilig mag-badminton. Ano pa ang pinagkakaabalahan mo aside from that cool sports?" - dito sa script na ito, pinaparamdam mo na interesado kang makilala siya ng todo. Napaparamdam mo na interesado ka sa buhay niya.
Ito ang kadalasang response niya sa'yo
"Nagwowork ako sa isang factory, Ikaw, ano pinagkakaabalahan mo?" kapag ganito ang response niya, ibig sabihin,maaaring qualify siya na maging business partner mo. Kailangan mo kasing tingnan ang sociability ng tao.
Pwede mong isagot ay ganito,
"Nasa wellness industry ako ngayon, nagtuturo ako kung paano magkaroon ng healthy lifestyle at the same time kumikita ako." - nabigyan mo siya ng idea kung ano ba talaga ang ginagawa mo.
Dahil nagresponse na siya sa'yo, ito na ang right time para i-QUALIFY mo siya.
Step 2: QUALIFY YOUR PROSPECTS
Kailangan mong malaman kung parehas kayo ng gusto at kung compatible kayo as business partners. Dito sa part na ito ay hahanapin mo na ang problemang dapat mong solusyonan. So ito ang ilan sa mga qualifying questions na pwede mong itanong..
"How do you like your job?"
"Gaano mo katagal planong magtrabaho?"
"Mukhang maganda yang work na iyan ah, magkano ba ang kita ko diyan kung papasok ako jan?"
"You seem to be a very dedicated and hardworking person. Hindi mo ba napapabayaan ang health mo at time mo sa family mo?"
Dito na nila ilalabas ang mga problema nila at ikaw ang magiging solution provider nila. Ito ang kadalasang isasagot niya sa'yo.
"Nakakastress nga sa work, tapos ang baba pa ng sahod. Naghahanap na nga ako ng malilipatang trabaho"
Kung tingin mo ay kaya mo ay may problema siya sa financial since yun naman talaga ang mission natin para solusyonan iyon. Ito ang maaari mong itanong sa kaniya.
"Magkano ba ang desired income mo na tingin mo ay makakatulong sayo at sa family mo?"
Magbibigay yan syempre ng amount na kailangan nila.Once nagbigay siya ng amount na kailangan niya, ito na ang iyong GO SIGNAL to do the Step 3.
Step 3: Introduce your opportunity
Ipasok mo na ang solusyon sa problema niya. Hindi ka magpe-present. Iimbitahan mo lang siya sa opisina o sa website mo para makita ang business mo. Ito ang maaari mong sabihin..
"Tamang tama, naghahanap ako ng mga intelligent/talented/dedicated/hardworking person like you that can help me expand my business and you can work from home. Open ka ba sa idea na pwede kang kumita ng additional income kahit nasa bahay ka?^__^" lagyan mo ng smiley para mafeel niya na excited kang tulungan siya.
Kadalasan sagot niya sayo ay ganito..
"Ano yan?","Networking ba 'yan?","Anong business ba iyan?"
Pls!! huwag magpanic kapag nakaencounter ka ng ganitong response. Ito ang dapat mong isagot..
"Masyado mahaba kung ita-type ko sa chat at nakakapagod yon. Kunin ko nalang contact number mo, tawagan kita ngayon." Sa oras na binigay niya ang contact number niya, pwede mo na siyang tawagan para sa isang business meeting. Once nakuha mo na ang contact number niya, proceed ka na sa step 4.
Step 4: Setting Appointment
Sa oras na tinawagan mo na siya, itatanong niya ulit yung previous na tanong niya. Ito naman ang isasagot mo.
"Hi (Prospect Name),Nararamdaman kong marami kang tanong about sa business ko, at kung alam mo lang kung gaano ko kagustong sagutin lahat ng mga tanong mo." - dito sa script na ito, pinaparamdam mo na mahalaga ang mga concern niya regarding sa business mo pero hindi mo siya pwede sagutin hanggat hindi kayo nagkikita. Para masagot ang mga tanong niya, you should set an appointment for him/her at ito ang sasabihin mo..
"Anong araw mas convenient sa'yo for a lunch/dinner meeting, Tuesday or Friday?"- dapat i-set mo siya dun sa araw na available ka
Kung ang sagot niya ay Friday, set the time.
"Nice. Friday. Anong time mas okay sa'yo, 6pm or 8pm?" - you should always give him/her two options.
Kapag nagbanggit na siya ng time, confirm the appointment.
"So lunch/dinner meeting tayo ng Friday sa (meeting place) at 8pm, okay?"
"If ever my change of plans at hindi ka makakarating, its okay. Just inform me 2 days before para maacommodate ko yung ibang meetings ko. okay ba yun?"-sa script na ito, iniinform mo na may iba ka pang errands bukod sa kanya at mahalaga sayo ang oras mo.
Kung tingin mo ay lusot at mapapapunta mo na siya kapag nagawa mo lahat ng script na binigay ko. Nagkakamali ka. May chance pa rin na hindi siya sumipot.
Ituturo ko sa'yo ngayon kung paano mo malalaman kung sisipot siya sa meeting ninyo o hindi na hindi tinatanong kung pupunta ba siya o iindiyanin ka niya. Ito ang dapat mong gawin kapag araw na ng meeting ninyo.
Tawagan mo siya 2 hours before your meeting at ito ang sasabihin mo.
"Hi (Prospect Name). I hope nasa biyahe ka pa. Pwede ba ako magpasuyo sa'yo ng paper cups, nalimutan ko kasi bumili kanina eh. May gusto kasi akong ipatry sa'yong drink. Bayaran nalang kita pagdating mo. Okay? Thanks"
Sa tulong ng script na ito, ineexpect mo na darating siya at humingi ka ng favor sa kanya. Malalaman mo kung pupunta siya o hindi ng hindi nagiging needy sa kanya.
I hope may natutunan ka sa part 1 at mas marami ka pang matutunan sa part 2 ng The Flash Marketer.
Kindly leave me a message kung tingin mo ay nakatulong sayo ang post ko na ito.
Enjoy your journey!