HOW TO SPONSOR LIKE CRAZY EVEN IF YOU ARE NEW, SHY TYPE OR IF YOU ARE A PART TIMER


The TRUTH is… marami sa mga nagsisimulang network marketers at online marketers ang mahiyain.

At dahil marami ang baguhan pa lang, marami rin ang wala pang selling skills.

Marami rin sa mga nagsisimula ay walang gaanong bakanteng oras para gawin ang business nila, dahil karamihan ay may mga regular working schedules.

Ang paguusapan natin dito sa post na ‘to ay kung…

Paano ka makakapag-recruit ng maraming tao at pano ka makakapag-close ng marami sales kung sakaling ikaw ay…

1. Mahiyain – kung ikaw yung tipong hindi masyado sanay mag 1-on-1 presentation, or hindi ka pa gaanong sanay mag-explain, o kaya naman talagang hindi mo lang linya ang mag-sales talk.

2. Baguhan – kung ikaw ay wala pang skills sa pag-close ng sales at kung hindi ka pa magaling mag-convince.

3. Part timer – Kung part time mo lang ginagawa mo ang negosyo mo at hindi palagi ay may oras ka para mag-invite ng mga prospects sa office n’yo.

Traditional Approach – Not Beginner Friendly
Natandaan ko nung nasa unang company ko pa ako…

1:00 PM pa lang bumabyahe na ‘ko papuntang office may bitbit pa kong mabigat na gitarta, pang gabi kasi ang trabaho ko as a working musician.

Dadating ako sa opis mga 2:00 PM (1 hour na comute)

Tapos mga 1 hour rin ako magaantay, madalas kasi late dumarating mga invites.

Kakabahan ka pa kasi baka INDIAN nanaman.

Yung hindi sisipot sa usapan. (Bakit ba indian ang tawag sa mga hindi sumisipot? Hindi ba talaga sumipot sa usapan ang mga indian???)

Tapos pagdating nung prospects, papapasukin mo sa seminar room para makanood ng presentation. Presentation na minsan umaabot ng 1-2 hours.

Pagtapos nung presentation may MAM pa (Meeting After Meeting).

Mga 30 minutes tatagal yun at minsan may MAMAM pa nga eh (Meeting After Meeting After Meeting) Walang katapusang meetings. Ha ha ha.

Sa huli mari-realize mo na kung gagawin mo ang business mo sa traditional na paraan, kaylangan mo ng 5-8 hours per day.

Hindi kakayanin ng part timer yung ganitong schedule. Hindi pa sigurado na magkaka-resulta ka.

Marami akong mga kilala na nag-decide mag-resign sa trabaho para mag-fulltime network marketer, pero wala ring nangyari.

And then eventually… Na-burned out na lang sila sa pagod at bumalik ulit sa employment.

Ang purpose ko, kung bakit ko sinulat ang post na ‘to, ay para bigyan ka ng tip na pwede mong i-apply kaagad, kung talagang gusto mong gumawa ng paraan para magkaresulta kahit na baguhan ka, mahiyain ka or part timer ka.

Leverage The Power Of Video
Video is powerful tool in selling.

Kaya nitong isimulate ang effectiveness ng live sales presentation dahil meron itong multiple modalites (audio and visual).

Mas madali ring magpanood ng video sa prospects kesa papuntahin sila sa seminar.

Mas less kasi ang commitment para sa mga prospects ang manood ng video kesa mag-set ng date, bumyahe at umattend ng seminar.

Kaya ang pwede mong gawin ay gumawa ng video.

Don’t worry dahil hindi sarili mo ang bi-videohan mo

Ang gagawin mo…

Mag-video ka ng presentation ng pinaka magaling na presenter or speaker sa company n’yo.

Kilala mo ba kung sino ang mga best presenters sa company/team n’yo?

S’ya ang gagamitin mo! ;D

To be specific… Yung video na ire-record mo ang gagamitin at ile-leverage mo.

Yung video na ire-record mo ang magpe-present at mag-e-explain sa mga prospects mo ng mga benefit ng products or opportunity na meron ka.

Yung video na ishu-shoot mo ang ibibigay mo tuwing may bagong prospects ka at tuwing may mga mag-i-inquire sa’yo.

Sa pamamagitan nung video na gagawin mo, male-leverage mo rin ang talent at skills ng pinaka magaling na presenter sa company n’yo.

Kaya kahit mahiyain ka at kahit wala ka pang skills sa pagbebenta, yung video ng pinaka magaling na presenter sa company n’yo, ang bahala sa pagsasalita at pagbebenta ng product at opportunity mo.

At kahit nasa trabaho ka, magagawa mo pa rin ang business mo dahil ‘pag may prospect ka, ibibigay mo lang yung link ng video mo dun sa prospect.

Yung video ang gagamitin mo para makapag-recruit at para makabenta.

Mukang simple ito pero pero napakalaking leverage ang makukuha mo kapag nakapag shoot ka ng perfect presentation.

This the exactly how I build my team.

Nag-shoot ako ng video presentation (hindi direct to camera, just a powerpoint video presentation) na magagamit ng mga team members ko.

So kahit baguhan at mahiyain ang iba, Ok lang dahil hindi na nila kaylangang mag-explain. The videos did all the telling and selling for them.

"Alam ko na yan eh. Marami ng video sa youtube ang company namin."

Yes alam ko na marami ng mga videos ng presentation sa internet mula sa ibat’-ibang companies.

Pero napansin ko rin na karamihan sa mga naka-upload na video presentation sa youtube ay malabo, o kaya naman ay garalgal ang sound. Yung iba naman sobrang haba at nakaka-boring.

Kaya bibigyan din kita ng mga tips kung pano mo magagawang maganda at effective ang video na gagawin mo.

Mga Tips Na Malupit
Tip #1: Make sure to have a good audio – marami namang mga recording ng mga presentations ng ibat-ibang company na makikta mo sa youtube pero karamihan… ang sagwa ng pagkakarecord ng tunog.

Madalas ma-echo minsan naman distorted (basag), o kaya naman sobrang hina ng boses, hindi mo mainitndihan ang sinasabi nung speaker.

Kapag hindi maintindihan ng prospect mo yung video na pinapanood n’ya, hindi mo yun mapipigilan na ihinto ang panonood at isara ang video mo.

To get good audio, try mo magrecord ng video sa maliit lang na room (para hindi gaanong ma-echo).

Kung ang pinangre-record mo ng audio, ay yun ding ginagamit mo sa pagrecord ng video (ex: cellphone), mas OK ang kalalabasa ng sound quality kung mas malapit ka sa nagsasalita.

Kung magagawa mong i-record yung mismong audio na lumalabas sa mixer, mas OK yun dahil klaro ang kalalabasan ng audio mo. Siguraduhin mo lang na hindi masyadong malakas kasi baka tunog basag ang kalabasan.

Tip #2: Get good video – Buti na lang ngayon ang ganda na ng mga quality ng video sa mga cellphone natin (Hindi kagaya dati kaylangan may video recoder ka pa talaga para makapag record ng magandang video). Quality ng video mula sa iPhone or any smart phone ay OK na.

Pero pag magre-record ka, make sure na nakapatong sa tripod or sa steady surface yung camera / phone mo. Mahirap kapag hawak hawak mo lang yung video, posile kasi na mag-shake yung kuha mo (lalo na kung pasmado ka – peace!).

Siguraduhin mo rin na may sapat na memory ang pangrecod mo para mag-record ng up to 30 mins – 1 hour na presentation. Para maiwasan mo ang pagka-badtrip dahil nalaman mo na hindi pala narecord ng buo yung presentation kasi full memory ka na.

Tip #3: Separate product presentation and business presentation – Hindi mo kaylangang pagsamahin ang product presentation at opportunity presentation. Ang advice ko, paghiwalayin mo sila. Yung mga prospects na interesado sa negosyo, ang ipanuod mo sa kanila ay yung business presentation.

Syempre pwedeng mong bangitin kung ano yung produkto na ibebenta, pero hindi kaylangang detalyado na aabutin ng 1 hour pagexplain pa lang ng mga products. Yung interesado naman sa products, ang ibigay mo sa kanila at yung detailed product presentation.

Tip #4: Try to book your upline – Kung magagawa mo na mai-schedule yung upline na magpe-present, para makapag shoot ng direct to cam na video, eh mas maganda! Mas makakapag focus kasi s’ya na ideliver yung sales message sa harap lang ng camera.

Mare-record mo rin yung presentation n’ya ng mas-madali at mas marerecord mo ng malinaw yung audio at video (dahil hindi n’ya kaylangang lumakad-lakad kagaya kapag nagpe-present s’ya sa maraming audience).

Parang 1 on 1 presentation na rin ang dating kapag direct to cam ang video na gagawin mo, mas-magiging effective yun in converting prospects!

Tip #5: Be clear for your call to action – Napakaraming video presentation ang napanood ko na sinasayang lang lahat ng mga effort nila. Gumawa sila ng video, tapos sa huli nung video, wala man lang malinaw na instruction kung anong susunod na gagawin ng mga taong interesado.

Kaylangan merong Clear Call To Action ang video mo.

Ano ang gusto mong ipagawa sa mga nakapanood ng video mo?

Gusto mo bang tawagan ka nila?

Gusto mo bang i-text ka nila?

Gusto mo bang i-email ka nila?

Guto mo bang i-message ka nila sa facebook?

Ano? Sabihin mo yun sa video mo!

Kung ano man ang gusto mong gawin ng mga interested prospects mo, siguraduhin mo na masabi mo sa kanila yun bago matapos ang video.

Pwedeng simple text lang ang call to action mo.

CTA Ex:

“If you want to learn how to get started in this business, make sure to send me an email at juandelacruz@yahoo.com”

“To order your product, simply call or text this number: 091234567890”

“To get started in this business, simply add me on facebook and send me this message… JOIN AKO!”

Or pwede rin na sasabihin mismo nung nagpe-present kung ano yung gusto mong ipagawa sa kanila.

So To Sum It All Up…
How to create a good presentation video.

1. Get good sounds.
2. Shoot clear videos.
3. Separate product and opportunity presentation.
4. Have a clear call to action

Happy Networking!

Penulis : Unknown ~ Sebuah blog yang menyediakan berbagai macam informasi

Artikel HOW TO SPONSOR LIKE CRAZY EVEN IF YOU ARE NEW, SHY TYPE OR IF YOU ARE A PART TIMER ini dipublish oleh Unknown pada hari Monday, November 10, 2014. Semoga artikel ini dapat bermanfaat.Terimakasih atas kunjungan Anda silahkan tinggalkan komentar.sudah ada 0 komentar: di postingan HOW TO SPONSOR LIKE CRAZY EVEN IF YOU ARE NEW, SHY TYPE OR IF YOU ARE A PART TIMER