The Flash Marketer Part 1: Proper Invitation & Prospecting


Hello Fellow Network Builders,

Welcome sa part 1 ng aking  THE FLASH MARKETER campaign. Ipasisilip ko sa'yo ng libre ang ilan sa mga nilalaman ng eBook na ginagawa ko ngayon. Ipasisilip ko lang yung dalawang parte na kailangan ng isang network builder para gumaan at lumago ang iyong network marketing career.


Maraming Network builders ang nahihirapan at kadalasa'y natatakot sa ganitong sistema hanggang sa maisipan na nilang mag-quit at bumalik na lang sa rat race.

Ito rin ang kadalasang takot ng mga naiimbitahan ko sa opportunity ko. Takot silang magimbita ng mga kakilala nila para silipin ang MLM business nila. Tulad ninyo, nahirapan din ako na maginvite ng mga taong gusto kong makasama sa business ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagiimbita ko sa kanya. Ganito rin ba ang nararanasan mo?

Let me share to you yung mga traditional na itinuturo sa atin ng ating mga sponsor kung paano makakuha ng mga taong maiimbitahan mo sa iyong business opportunity.

1. Flyering - A very effective way of marketing your opportunity BEFORE but limited ang scope ng audience mo. You will spend thousands of pesos para ipamigay sa mga random people. Magbibilad ka sa araw at sisinghot ka ng makakapal na usok para mamigay ng flyers sa kalye.
2. Kidnap - A very unprofessional way of invitation na kung saan ay nagbibigay ka ng very misleading information para  sumama sa'yo ang prospect mo.
3. Pamumusakal - Kakausap ka ng taong hindi mo kakilala at aalukin mo ng business opportunity mo.
4. House to house - Papasok ka sa isang village para mamigay ng flyers at magpresent ng iyong opportunity.
5. Cold Calling - Tatawag ka sa isang taong hindi mo kakilala at aalukin mo ng business opportunity mo.

Ilan lamang yan sa mga itinuro sa atin kung paano kumuha ng mga taong iimbitahan natin sa business mo. Kung susumahin mo ang lahat ng mga nagastos mo para sa mga ito, aabutin ka ng ilang libong piso sa gastos  mo. Bukod mo pa yung mga pagkain mo,pamasahe mo at yung papakain mo sa prospect mo.

Ito ang kadalasang problema ng mga network builder lalo na sa mga first timer sa ganitong  larangan.
1. Nawawalan sila ng panggalaw para sa network marketing business nila.
2. Puros rejection ang natatanggap nila at samo't saring objection na hindi nila ma-handle ng tama.
3. Nauubusan sila ng tao na makakausap para imbitahan sa kanilang business opportunity.

Kung tingin mo ay ito ang nararanasan mo ngayon. GOOD NEWS kaibigan at ibibigay ko sa'yo ngayon ang solusyon sa problema mo. Hindi ko masisigurado kung magkakaroon ka ng resulta dito dahil nakadepende sa'yo kung gaano ka kaseryoso sa ginagawa mo ngayon.

Ang strategy na ibabahagi ko sayo ngayon ay natutunan ko sa mga top earners ng iba't ibang MLM companies na kung saan, hindi sila nahihirapang imbitahan ang mga nakalista sa prospect list nila. 

Bago ko i-share ang strategy na nadiskubre ko, gusto ko muna i-share sayo ang mga bagay na dapat mong matutunan bago mo imbitahan ang prospect mo.


Proper Mindset and Proper Posture - Ito ang pinakaunang kailangan mong matutunan. Kailangan handa ang isip at attitude mo para sa araw na ito. Kapag may good mental attitude ka,makukuha mo ang right approach para sa prospect mo. Paano naman ito gagawin, here are the steps:
Step 1: Set your target number of people per day. Magstart ka muna sa 5-10 people per day.
Step 2: Always stick to your mind na HINDI MO SILA KAILANGAN, IKAW ANG KAILANGAN NILA. Huwag mong isipin ang commission na makukuha mo kapag nagpay-in sila. Lagi mong iisipin na kausap mo sila dahil may gusto kang solusyonan sa buhay nila. Financial man yan o Health.
Step 3: Find your audience. Ituturo ko sa yo ngayon kung saan ka makakakuha ng maraming audience para sa business mo ng hindi lumalabas ng bahay at nabibilad sa sikat ng araw.

Ito ang kadalasang hindi napapansin ng mga network builders. Nawawalan sila ng mga high quality prospects dahil hindi nila alam kung paano gamitin ng tama ang INTERNET. Yes itinuturo sa atin na magandang medium of marketing your business ang internet ngunit paano nga ba gamitin ito para makakuha ng mga taong interesadong makita ang business mo?

Maaari ka paring lumabas ng bahay but  I suggest na you should learn how to use the power of internet as early as now.

So saan mo ba makikita ang mga potential business partners mo? Simple lang, sa SOCIAL NETWORKING SITES. Common sites na pinupuntahan ng bilyong bilyong tao ay ang FACEBOOK. Imagine kung ang number ng prospects mo 2 Billion, may makukuha ka kaya?

Now that you know where to find your future business partners, simulan na natin kung paano ba ang tamang pagiimbita ng prospect.

Ito lang ang lagi mong tatandaan, THE ONE WHO ASK THE QUESTION, CONTROLS THE CONVERSATION. YOU SHOULD ALWAYS LISTEN ALSO TO YOUR PROSPECTS

As a network builder, ikaw ang dapat nagcocontrol ng inyong conversation at hindi si prospect. Ikaw ang magdidikta kung kailan mo ipapasok sa usapan ninyo ang business opportunity mo. Kadalasan kasi na network builder ay parang machine gun kung maginvite, halos naikwento na niya maging ang kabuuan ng marketing plan. Kaya ang resulta, nabobore ang prospect at hindi sumasali sa business niya.

TAKE NOTE: Your only job is to put excitement and curiosity sa pag-uusap ninyo. You should keep your prospect interested sa paguusap ninyo. Hindi lahat ng details dapat mong ibigay sa prospect mo.

So here are the easy steps on how to invite your prospects:

Step 1: Do the RAPPORT Intro(APPRECIATE YOUR PROSPECT)
Madalas na turo sa atin ay ang FORM. Kung hindi mo pa alam ang FORM, tanungin si Upline.Bago mo siya i-chat, magtour ka muna sa profile niya, hanap ka ng common ground ninyong dalawa. Sports,books,movies anything na pwede ninyong pagusapan under the sun. So here's the example script for you:

"Hi (Prospect Name), you look sharp/intelligent. Ano ang pinagkakaabalahan mo?" - mapapansin mo sa intro na ito ay lumalabas ang pagiging friendly mo at pagiging sociable na dapat yun naman talaga. Kailangan mahuli mo ang kiliti ng prospect mo at ma-drive mo siya para magresponse.

Pwede rin ito,
"Hi (Prospect Name), pareho pala tayong mahilig mag-badminton. Ano pa ang pinagkakaabalahan mo aside from that cool sports?" - dito sa script na ito, pinaparamdam mo na interesado kang makilala siya ng todo. Napaparamdam mo na interesado ka sa buhay niya.

Ito ang kadalasang response niya sa'yo
"Nagwowork ako sa isang factory, Ikaw, ano pinagkakaabalahan mo?" kapag ganito ang response niya, ibig sabihin,maaaring qualify siya na maging business partner mo. Kailangan mo kasing tingnan ang sociability ng tao.

Pwede mong isagot ay ganito,
"Nasa wellness industry ako ngayon, nagtuturo ako kung paano magkaroon ng healthy lifestyle at the same time kumikita ako." - nabigyan mo siya ng idea kung ano ba talaga ang ginagawa mo.

Dahil nagresponse na siya sa'yo, ito na ang right time para i-QUALIFY mo siya.
Step 2: QUALIFY YOUR PROSPECTS
Kailangan mong malaman kung parehas kayo ng gusto at kung compatible kayo as business partners. Dito sa part na ito ay hahanapin mo na ang problemang dapat mong solusyonan. So ito ang ilan sa mga qualifying questions na pwede mong itanong..
"How do you like your job?"
"Gaano mo katagal planong magtrabaho?"
"Mukhang maganda yang work na iyan ah,  magkano ba ang kita ko diyan kung papasok ako jan?"
"You seem to be a very dedicated and hardworking person. Hindi mo ba napapabayaan ang health mo at time mo sa family mo?" 
Dito na nila ilalabas ang mga problema nila at ikaw ang magiging solution provider nila. Ito ang kadalasang isasagot niya sa'yo. 
"Nakakastress nga sa work, tapos ang baba pa ng sahod. Naghahanap na nga ako ng malilipatang trabaho"

Kung tingin mo ay kaya mo ay may problema siya sa financial since yun naman talaga ang mission natin para solusyonan iyon. Ito ang maaari mong itanong sa kaniya.
"Magkano ba ang desired income mo na tingin mo ay makakatulong sayo at sa family mo?"
Magbibigay yan syempre ng amount na kailangan nila.Once nagbigay siya ng amount na kailangan niya, ito na ang iyong GO SIGNAL to do the Step 3.

Step 3: Introduce  your opportunity
Ipasok mo na ang solusyon sa problema niya. Hindi ka magpe-present. Iimbitahan mo lang siya sa opisina o sa website mo para makita ang business mo. Ito ang maaari mong sabihin..
"Tamang tama, naghahanap ako ng mga intelligent/talented/dedicated/hardworking person like you that can help me expand my business and you can work from home. Open ka ba sa idea na pwede kang kumita ng additional income kahit nasa bahay ka?^__^" lagyan mo ng smiley para mafeel niya na excited kang tulungan siya.
Kadalasan sagot niya sayo ay ganito..
"Ano yan?","Networking ba 'yan?","Anong business ba iyan?" 
Pls!! huwag magpanic kapag nakaencounter ka ng ganitong response. Ito ang dapat mong isagot..
"Masyado mahaba kung ita-type ko sa chat at nakakapagod yon. Kunin ko nalang contact number mo, tawagan kita ngayon." Sa oras na binigay niya ang contact number niya, pwede mo na siyang tawagan para sa isang business meeting. Once nakuha mo na ang contact number niya, proceed ka na sa step 4 
Step 4: Setting Appointment

Sa oras na tinawagan mo na siya, itatanong niya ulit yung previous na tanong niya. Ito naman ang isasagot mo.
"Hi (Prospect Name),Nararamdaman kong marami kang tanong about sa business ko, at kung alam mo lang kung gaano ko kagustong sagutin lahat ng mga tanong mo." - dito sa script na ito, pinaparamdam mo na mahalaga ang mga concern niya regarding sa business mo pero hindi mo siya pwede sagutin hanggat hindi kayo nagkikita. Para masagot ang mga tanong niya, you should set an appointment for him/her at ito ang sasabihin mo..
"Anong araw mas convenient sa'yo for a lunch/dinner meeting, Tuesday or Friday?"- dapat i-set mo siya dun sa araw na available ka
Kung ang sagot niya ay Friday, set the time. 
"Nice. Friday. Anong time mas okay sa'yo, 6pm or 8pm?" - you should always give him/her two options. 
Kapag nagbanggit na siya ng time, confirm the appointment.
"So lunch/dinner meeting tayo ng Friday sa (meeting place) at 8pm, okay?"
"If ever my change of plans at hindi ka makakarating, its okay. Just inform me 2 days before para maacommodate ko yung ibang meetings ko. okay ba yun?"-sa script na ito, iniinform mo na may iba ka pang errands bukod sa kanya at mahalaga sayo ang oras mo.

Kung tingin mo ay lusot at mapapapunta mo na siya kapag nagawa mo lahat ng script na binigay ko. Nagkakamali ka. May chance pa rin na hindi siya sumipot

Ituturo ko sa'yo ngayon kung paano mo malalaman kung sisipot siya sa meeting ninyo o hindi na hindi tinatanong kung pupunta ba siya o iindiyanin ka niya. Ito ang dapat mong gawin kapag araw na ng meeting ninyo.

Tawagan  mo siya 2 hours before your meeting at ito ang sasabihin mo.
"Hi (Prospect Name). I hope nasa biyahe ka pa. Pwede ba ako magpasuyo sa'yo ng paper cups, nalimutan ko kasi bumili kanina eh. May gusto kasi akong ipatry sa'yong drink. Bayaran nalang kita pagdating mo. Okay? Thanks"
 Sa tulong ng script na ito, ineexpect mo na darating siya at humingi ka ng favor sa kanya. Malalaman mo kung pupunta siya o hindi ng hindi nagiging needy sa kanya.

I hope may natutunan ka sa part 1 at mas marami ka pang matutunan sa part 2 ng The Flash Marketer.
Kindly leave me a message kung tingin mo ay nakatulong sayo ang post ko na ito.

Enjoy your journey!

 

Network Marketing or MLM Opportunities, REAL? or REAL SCAM?


Lahat tayong mga Pinoy ay gusto talaga umasenso sa buhay. Mabili ang lahat ng mga kailangan ng pamilya. Makuha ang karangyaan sa buhay. Sa sobrang madiskarte ng Pinoy, maraming paraan na naisip si Pinoy para makuha ang magandang buhay. Isang paraan ngayon na maingay ngayon hindi lang sa mga telebisyon, maingay na rin ito sa social media. 

Ang Network Marketing o MLM(Multi Level Marketing)

Network Marketing o MLM Opportunity ay ang pag-abot sa mga buyer o suki ng isang produkto o serbisyo mula sa Manufacturer papunta sa suki(client) gamit ang word of mouth.

Isa itong marketing strategy o isang way ng pagbebenta ng isang produkto na hindi nangangailangan ng milyong pisong kapital para makarating sa merkado. Walang artista at tri-media exposure na binabayaran ang kumpanya kung ito ang gamit nilang marketing strategy.  
Binabayaran ang mga distributor sa pamamagitan ng pag-endorso ng produkto o serbisyo ng isang kumpanya. Network Marketing is not a company. Ang kanilang mga distributor na mismo ang kanilang artista. Sa halip na artista ang bayaran ng milyon para iendorso ang produkto, ibinibigay ito sa kanilang mga distributor. That is why, ang kita ng mga network marketer ay malayo sa sahod na nakikita natin sa employment since hindi sila employee ng company.

Advantages of Network Marketing
1. Malaki ang income potential at maraming way para kumita. Daily,weekly,monthly at yearly ang kita.
2. 100% work from home at online. 
3. Maaari itong magexpand internationally.
4. You are earning profit since this is a business opportuniy. You are the boss of your own.
5. Income tax advantage. Maliit ang binabayaran mong tax dahil kasama ito sa business bracket at hindi sa income tax bracket which is for employees only.
6. Easy to follow business system compare sa isang franchise business.
7. Hindi mo kailangan ng malaking kapital to start your MLM career.
8. Hindi ka nagiisang magbuild ng business mo since may team ka.
9. Equal opportunity ang inoofer ng MLM.
10. Pwede mo ito gawin part time.
11. FREE Business training ang binibigay ng company
12. Malaki ang contribution ng industry na ito sa growth ng ekonomiya ng isang bansa.

Disadvantages of Network Marketing
1. Naaabuso ang system na ito ng mga taong gustong manlamang sa kapwa that is why lumabas ang MLM Scam hindi lang sa Philippines kundi sa buong mundo.
2. May possibility na hindi kumita ang isang distributor at hindi ito maging successful.

Hindi naman sa nagiging bias ako but since isa rin akong network marketer, ito lang ang posibleng disadvantage ng MLM.

Sobrang laki ng tulong ng MLM sa buhay ng isang tao.

Is Network Marketing Legal In The Philippines? 

The Philippine government itself declares that Network marketing is a legal way to market all the products. However, may confusion pa rin tayo dahil ilan sa mga MLM company dito sa Pinas ay purely SCAM. Pero let me share to you the 4 things you need to consider para malaman natin kung Legit ba ang opportunity na inaalok sayo o hindi.


The 4 Legged Horse
Ang pinakasimpleng bagay na pwede mong gabay kung nasa tamang MLM company ka ay ang mga sumusunod.
1. The Company - kung sasali ka sa isang Network Marketing opportunity, dapat alamin mo kung STABLE ba ito sa isang bansa na kung saan ka nakatira. Halimbawa, is sa Pilipinas ka nakatira. The company should be established originally in the Philippines. The company should have their own building all over the Philippines and not just rented. Maaari kasing maging FLY BY NIGHT company siya kung ito ay nagrerent pa sila. It is really a legit opportunity if they afford to have their own building. The true image of Network Marketing
2. The Products - product movement is considerable. Mabilis ang product movement sa market. Alamin mo kung ang opportunity na inoofer sayo ay 100% product base. Kung product base ang company at malaki ang income potential in just selling the products, that good.
3. The Marketing Plan - aside from 100% product base ang opportunity,dapat makita mo kung marami ba ang kumikita sa company at gaano kabilis ang ROI nito gamit ang bawat program ng company.
4. Group Support - Ito ang isa sa pinakaimportanteng component ng isang MLM opportunity. Ito ang magsisilbing complete guide mo para maging successful sa career na ito. Ask your sponsor kung ano ang ituturo niya sayo o step by step  process para mabuild mo ng tama ang MLM busienss mo.

Kung ang isa sa mga component na ito ay wala sa inaalok sayong opportunity, let me know kung para ba sayo ang opportunity nila o legit ba talaga ang inaalok sayo.

I hope may natutunan ka sa article ko na ito. Just leave me a message here - facebook.com/leadtoinspire gusto ko malaman ang saloobin mo.

Happy Networking! ^__^
 

Best Exit Strategy For The Best Employee Like You




Gusto mo ba ng increase sa trabaho mo pero hindi ka pinayagan ng boss mo? Gusto mo na mag-resign sa trabaho mo pero natatakot kang mahirapan kang maghanap ng trabaho? Naiintindihan ko ang kalagayan mo. Ganyan din ang naranasan ko noong nagresign ako sa work ko. Sa post ko na ito, malalaman mo kung bakit marami ang nakakulong sa corporate  world at hindi makausad sa next level ng kanilang career. Malalaman mo rin kung bakit marami sa mga nagreresign at nagtatayo ng negosyo ng hindi nagtatagal then balik ulit sa pagiging empleyado dahil ubos na ang panggalaw.

Now let's discuss first ang common activity ng isang employee.

Being an employee for the rest of your life is suicidal. Common drawbacks if you are staying too long sa corporate world ay
1. Kahit masipag ka at ang kaopisina mo ay tamad, pareho pa rin kayo ng sahod at sabay kayong sasahod ng akinse katapusan.
2. Kapag nilabas mo ang lahat ng talent mo para sa benefit ng company mo, ang appreciation ay sa boss mo. May libre kang lunch mamaya galing sa kanya.
3. Hindi mo handle ang life calendar mo. Kailangan mong magpaalam para magkabakasyon ka. At kapag nakabakasyon ka, obligado ka parin magreport sa boss mo.
4. Hindi mo hawak ang 24 hours mo for the rest of your career. Bakit ko nasabi yun? Simple lang. Sa oras na pumasok ka sa corporate world, ito ang iyong daily routine.
a. Gigising ng 2-3 hours bago ang office hours mo para sa pagbiyahe.
b. 8-9 hours ka magtatrabaho sa office at may kasama pang  2-4 hours na OT na kadalasan thank you.
c. after office hours, magaaya ang team mo para magunwind, so magaalot ka ng 2 hours para sa kanila bago ka umuwi.
d. Then may 2 hours kang biyahe papauwe.
e. Pagdating ng bahay, pagod  ka at magaallot ka ng 2-3 hours para makapahinga ka at makatulog na dahil papasok ka pa.

Compute natin ang alloted time mo for the day kung ang pasok mo ay 8am-5pm.
Preparation - 3 hours before office hour (5am gising mo)
Biyahe - 1 hour(7am biyahe ka)
Office - 8 hours(8am nasa office ka na)
Gimik - 2 hours(wala kang OT so gimik ka muna ng 5pm)
Pauwe - 2 hours(9pm nasa bahay ka na)
Pahinga sa bahay - 3 hours(12am tulog ka na)
Tulog mo - 5 hours ang tulog mo

You spent 19 hours then 5 hours nalang ang natira sa yo at itutulog mo nalang ito. A never ending cycle of your career until you are 65. Talaga bang namamanage mo ang life mo sa ganitong situation? I don't think so.

Bakit may mga nagretire o nagresign sa kanilang work at nagtayo ng business pero hindi naging successful sa kanilang business career? Maraming factor na posibleng dahilan.
1. The change of mindset from EMPLOYEE to ENTREPRENEUR mindset
2. Lack of business knowledge and experience
3. Walang maayos na EXIT STRATEGY when they resign
Kaya karamihan sa kanila, bumabalik sa rat race o umaasa sa kanilang pension.

Ano ang Exit Strategy?
Ito ang sistema na gagalawan mo before o after mo magresign. A complete guide para hindi ka magmukang kawawa sa outside world.

Let me share to you ang BEST EXIT STRATEGY na nadiscover ko sa mga successful people na nakausap ko to be time and financially free.

Here's the 3 things you should follow:

1. Plan your resignation as early as you can. Give at least 3 months window time. Depende sa laki ng net income mo.
2. Do the 80 20 money policy. 80% of your net income ay ilagay mo sa iyong personal account at 20% naman ay para sa personal expenses mo. Do this for 1-2 months depende sa laki ng sahod mo. Pero mas maganda kung magawa mo ito at least 1 month. Mukhang mahirap  pero ang sakripisyo ay very worthy. Trust me.
3. After 2 months of sacrificing, now is the time to start your Network marketing career.

Why Network Marketing?
1. Ito ang magsisilbing training ground mo at deepest foundation para maitayo mo ng maayos ang dream business mo.
Network marketing companies offer FREE business trainings na makakatulong sa yo in the future at the same time, you will be able to earn while you study the environment of your network marketing career.
2. Network Marketing offers international business with very low start-up capital. Many NM companies offer great product lines and benefits for their distributors.
3. Network marketing is now the legal and the fastest way to increase your cashflow at mabigyan ka ng right knowledge for your dream business.

Ngayong alam mo na ang gagawin mo bago ka mag-resign sa work mo. Nasa'yo ang decision kung kailan mo gustong gawin ang mga natutunan mo sa akin. 

I hope natulungan ka ng article ko na ito. Don't forget to leave me a message kung nakatulong sa yo ang post ko.

Enjoy your journey! ^__^

 

Importance of having the right mentor in your business



Ito ang isa sa mga dahilan bakit 97% of Filipino Networkers failed to grow their MLM business. Even in building your traditional business,home based business at online business failed because of this one component. Ang pagkakaroon ng tamang mentor para sa business mo.

Nadiscuss ko na to sa last blog post ko on how to be successful in Network Marketing. Ang makapili ng tamang sponsor o upline na magtuturo sa'yo kung paano makuha ang resulta na gusto mo. Kailangan makahanap ka ng sponsor na pwede rin maging mentor mo to your success.

If you fail this step 1, hindi ka makakamove forward sa step 2. Kung tingin mo hanggang ngayon nahihirapan kang makahanap ng tamang tao para sa business mo kahit todo hataw ka na at todo training, kung napapansin mo ay until now hindi pa rin lumalaki ang grupo mo, ito ang kadalasang mga dahilan.

1. Your Upline/Sponsor is not capable to develop you as a leader
2. Kulang ka sa gawa kung ano man ang strategy na binigay sa yo ng sponsor mo
3. Hindi applicable ang binigay na sistema ni upline/sponsor para sa growth ng business mo. 

Hindi ko naman sinabi na awayin mo ang iyong upline dahil wala kang resulta hanggang ngayon. All you need to do is to find the right mentor na tingin mo ay matutulungan ka para makuha mo ang resulta sa business mo. Ask some of your company's top earners to help you build your business as early as you can.

I don't know if they ask for payment or they will help you for free. Huwag kang matakot humingi ng tulong sa ibang may resulta na.

Let me know if this helps you in your business. Happy Networking! ^_^
 

HOW TO SPONSOR LIKE CRAZY EVEN IF YOU ARE NEW, SHY TYPE OR IF YOU ARE A PART TIMER


The TRUTH is… marami sa mga nagsisimulang network marketers at online marketers ang mahiyain.

At dahil marami ang baguhan pa lang, marami rin ang wala pang selling skills.

Marami rin sa mga nagsisimula ay walang gaanong bakanteng oras para gawin ang business nila, dahil karamihan ay may mga regular working schedules.

Ang paguusapan natin dito sa post na ‘to ay kung…

Paano ka makakapag-recruit ng maraming tao at pano ka makakapag-close ng marami sales kung sakaling ikaw ay…

1. Mahiyain – kung ikaw yung tipong hindi masyado sanay mag 1-on-1 presentation, or hindi ka pa gaanong sanay mag-explain, o kaya naman talagang hindi mo lang linya ang mag-sales talk.

2. Baguhan – kung ikaw ay wala pang skills sa pag-close ng sales at kung hindi ka pa magaling mag-convince.

3. Part timer – Kung part time mo lang ginagawa mo ang negosyo mo at hindi palagi ay may oras ka para mag-invite ng mga prospects sa office n’yo.

Traditional Approach – Not Beginner Friendly
Natandaan ko nung nasa unang company ko pa ako…

1:00 PM pa lang bumabyahe na ‘ko papuntang office may bitbit pa kong mabigat na gitarta, pang gabi kasi ang trabaho ko as a working musician.

Dadating ako sa opis mga 2:00 PM (1 hour na comute)

Tapos mga 1 hour rin ako magaantay, madalas kasi late dumarating mga invites.

Kakabahan ka pa kasi baka INDIAN nanaman.

Yung hindi sisipot sa usapan. (Bakit ba indian ang tawag sa mga hindi sumisipot? Hindi ba talaga sumipot sa usapan ang mga indian???)

Tapos pagdating nung prospects, papapasukin mo sa seminar room para makanood ng presentation. Presentation na minsan umaabot ng 1-2 hours.

Pagtapos nung presentation may MAM pa (Meeting After Meeting).

Mga 30 minutes tatagal yun at minsan may MAMAM pa nga eh (Meeting After Meeting After Meeting) Walang katapusang meetings. Ha ha ha.

Sa huli mari-realize mo na kung gagawin mo ang business mo sa traditional na paraan, kaylangan mo ng 5-8 hours per day.

Hindi kakayanin ng part timer yung ganitong schedule. Hindi pa sigurado na magkaka-resulta ka.

Marami akong mga kilala na nag-decide mag-resign sa trabaho para mag-fulltime network marketer, pero wala ring nangyari.

And then eventually… Na-burned out na lang sila sa pagod at bumalik ulit sa employment.

Ang purpose ko, kung bakit ko sinulat ang post na ‘to, ay para bigyan ka ng tip na pwede mong i-apply kaagad, kung talagang gusto mong gumawa ng paraan para magkaresulta kahit na baguhan ka, mahiyain ka or part timer ka.

Leverage The Power Of Video
Video is powerful tool in selling.

Kaya nitong isimulate ang effectiveness ng live sales presentation dahil meron itong multiple modalites (audio and visual).

Mas madali ring magpanood ng video sa prospects kesa papuntahin sila sa seminar.

Mas less kasi ang commitment para sa mga prospects ang manood ng video kesa mag-set ng date, bumyahe at umattend ng seminar.

Kaya ang pwede mong gawin ay gumawa ng video.

Don’t worry dahil hindi sarili mo ang bi-videohan mo

Ang gagawin mo…

Mag-video ka ng presentation ng pinaka magaling na presenter or speaker sa company n’yo.

Kilala mo ba kung sino ang mga best presenters sa company/team n’yo?

S’ya ang gagamitin mo! ;D

To be specific… Yung video na ire-record mo ang gagamitin at ile-leverage mo.

Yung video na ire-record mo ang magpe-present at mag-e-explain sa mga prospects mo ng mga benefit ng products or opportunity na meron ka.

Yung video na ishu-shoot mo ang ibibigay mo tuwing may bagong prospects ka at tuwing may mga mag-i-inquire sa’yo.

Sa pamamagitan nung video na gagawin mo, male-leverage mo rin ang talent at skills ng pinaka magaling na presenter sa company n’yo.

Kaya kahit mahiyain ka at kahit wala ka pang skills sa pagbebenta, yung video ng pinaka magaling na presenter sa company n’yo, ang bahala sa pagsasalita at pagbebenta ng product at opportunity mo.

At kahit nasa trabaho ka, magagawa mo pa rin ang business mo dahil ‘pag may prospect ka, ibibigay mo lang yung link ng video mo dun sa prospect.

Yung video ang gagamitin mo para makapag-recruit at para makabenta.

Mukang simple ito pero pero napakalaking leverage ang makukuha mo kapag nakapag shoot ka ng perfect presentation.

This the exactly how I build my team.

Nag-shoot ako ng video presentation (hindi direct to camera, just a powerpoint video presentation) na magagamit ng mga team members ko.

So kahit baguhan at mahiyain ang iba, Ok lang dahil hindi na nila kaylangang mag-explain. The videos did all the telling and selling for them.

"Alam ko na yan eh. Marami ng video sa youtube ang company namin."

Yes alam ko na marami ng mga videos ng presentation sa internet mula sa ibat’-ibang companies.

Pero napansin ko rin na karamihan sa mga naka-upload na video presentation sa youtube ay malabo, o kaya naman ay garalgal ang sound. Yung iba naman sobrang haba at nakaka-boring.

Kaya bibigyan din kita ng mga tips kung pano mo magagawang maganda at effective ang video na gagawin mo.

Mga Tips Na Malupit
Tip #1: Make sure to have a good audio – marami namang mga recording ng mga presentations ng ibat-ibang company na makikta mo sa youtube pero karamihan… ang sagwa ng pagkakarecord ng tunog.

Madalas ma-echo minsan naman distorted (basag), o kaya naman sobrang hina ng boses, hindi mo mainitndihan ang sinasabi nung speaker.

Kapag hindi maintindihan ng prospect mo yung video na pinapanood n’ya, hindi mo yun mapipigilan na ihinto ang panonood at isara ang video mo.

To get good audio, try mo magrecord ng video sa maliit lang na room (para hindi gaanong ma-echo).

Kung ang pinangre-record mo ng audio, ay yun ding ginagamit mo sa pagrecord ng video (ex: cellphone), mas OK ang kalalabasa ng sound quality kung mas malapit ka sa nagsasalita.

Kung magagawa mong i-record yung mismong audio na lumalabas sa mixer, mas OK yun dahil klaro ang kalalabasan ng audio mo. Siguraduhin mo lang na hindi masyadong malakas kasi baka tunog basag ang kalabasan.

Tip #2: Get good video – Buti na lang ngayon ang ganda na ng mga quality ng video sa mga cellphone natin (Hindi kagaya dati kaylangan may video recoder ka pa talaga para makapag record ng magandang video). Quality ng video mula sa iPhone or any smart phone ay OK na.

Pero pag magre-record ka, make sure na nakapatong sa tripod or sa steady surface yung camera / phone mo. Mahirap kapag hawak hawak mo lang yung video, posile kasi na mag-shake yung kuha mo (lalo na kung pasmado ka – peace!).

Siguraduhin mo rin na may sapat na memory ang pangrecod mo para mag-record ng up to 30 mins – 1 hour na presentation. Para maiwasan mo ang pagka-badtrip dahil nalaman mo na hindi pala narecord ng buo yung presentation kasi full memory ka na.

Tip #3: Separate product presentation and business presentation – Hindi mo kaylangang pagsamahin ang product presentation at opportunity presentation. Ang advice ko, paghiwalayin mo sila. Yung mga prospects na interesado sa negosyo, ang ipanuod mo sa kanila ay yung business presentation.

Syempre pwedeng mong bangitin kung ano yung produkto na ibebenta, pero hindi kaylangang detalyado na aabutin ng 1 hour pagexplain pa lang ng mga products. Yung interesado naman sa products, ang ibigay mo sa kanila at yung detailed product presentation.

Tip #4: Try to book your upline – Kung magagawa mo na mai-schedule yung upline na magpe-present, para makapag shoot ng direct to cam na video, eh mas maganda! Mas makakapag focus kasi s’ya na ideliver yung sales message sa harap lang ng camera.

Mare-record mo rin yung presentation n’ya ng mas-madali at mas marerecord mo ng malinaw yung audio at video (dahil hindi n’ya kaylangang lumakad-lakad kagaya kapag nagpe-present s’ya sa maraming audience).

Parang 1 on 1 presentation na rin ang dating kapag direct to cam ang video na gagawin mo, mas-magiging effective yun in converting prospects!

Tip #5: Be clear for your call to action – Napakaraming video presentation ang napanood ko na sinasayang lang lahat ng mga effort nila. Gumawa sila ng video, tapos sa huli nung video, wala man lang malinaw na instruction kung anong susunod na gagawin ng mga taong interesado.

Kaylangan merong Clear Call To Action ang video mo.

Ano ang gusto mong ipagawa sa mga nakapanood ng video mo?

Gusto mo bang tawagan ka nila?

Gusto mo bang i-text ka nila?

Gusto mo bang i-email ka nila?

Guto mo bang i-message ka nila sa facebook?

Ano? Sabihin mo yun sa video mo!

Kung ano man ang gusto mong gawin ng mga interested prospects mo, siguraduhin mo na masabi mo sa kanila yun bago matapos ang video.

Pwedeng simple text lang ang call to action mo.

CTA Ex:

“If you want to learn how to get started in this business, make sure to send me an email at juandelacruz@yahoo.com”

“To order your product, simply call or text this number: 091234567890”

“To get started in this business, simply add me on facebook and send me this message… JOIN AKO!”

Or pwede rin na sasabihin mismo nung nagpe-present kung ano yung gusto mong ipagawa sa kanila.

So To Sum It All Up…
How to create a good presentation video.

1. Get good sounds.
2. Shoot clear videos.
3. Separate product and opportunity presentation.
4. Have a clear call to action

Happy Networking!
 

How To Make Your Prospect Join Your Business Much Easily

Eto palagi ang tanong ng mga Filipino Networkers...

"Paano ko ba mapapa sali ang mga prospects ko ng mas mabilis o mas madali?" 

I want to share with you my thought of the Day about this topic so continue on reading...


People will join you mainly because of you. If they Know you, LIKE you and TRUST you. 

Eto ang dahilan kung bakit napaka importante na mag build ka muna ng rapport sa 'yong mga prospects. How to build rapport? Become GENUINELY Interested first sa mga prospects mo. Make them FEEL na interesado ka talaga na matulungan sila with your opportunity.

Mararamdaman kasi ng tao kung ang intention mo ay magkaron lang ng Sale
OR kung sincere ka talaga at ang intention mo ay makatulong sa kanila na magkaron ng additional income.

Trust me mararamdaman yun ng prospect mo kahit sa chat lang lalo na kung kinakausap
mo sila face to face sa one on one table talk..

If you can build rapport first... 


Your prospects will LIKE you, TRUST You... And they WILL Join You. 
 

How To Become Good in Closing and Selling In Your MLM Business

Nahihirapan ka bang mag CLOSE ng prospect mo? O kaya nai-ilang ka bang tanungin yung prospect mo kung keylan ba sya mag jojoin o magiinvest? Minsan ba ay iniisip mo na baka makulitan sayo yung mga prospects mo kapag ifa-follow up mo sila palagi? Don't worry it's normal. Most networkers still can't accept the fact that they need to have good sales skills, and sometimes they still hates selling. Most of the time it's because of what people thinks and say about selling...

Kaya minsan nahahawa nadin sila, akala nila masama ang magbenta, minsan feeling nila tini-take advantage nila ang ibang tao kapag binebentahan nila ng products o ng opportunity ang mga 'to...

Paano natin masosolve tong problema na 'to na pumipigil satin para mag grow at maging successful sa ating business??? 

Minsan kaylangan lang natin ng "TAMANG MINDSET", at ng "TAMANG BELIEF".
 

Bakit Madami Ang Mahirap Sa Pinas?

Tingin mo... Bakit MADAMING Mahirap Sa Pilipinas???

Ano sa tingin mo ang dahilan bakit madaming mahirap sa Pinas? Recently nag conduct ako ng Survey Question sa group of internet entrepreneurs. Tinanong ko sila kung ano sa tingin nila ang reasons bakit madami ang mahirap sa Pinas.

Eto yung ilan sa mga naging sagot nila:


"Walang ambisyon sa buhay kuntento na kung ano ang meron"
...Harold L.


"Takot mag invest para sa kinabukasan nila, nanjan na lahat ng opportunity... Wala nganganga lang! Ayaw sungaban dahil takot sa halagang mawawala sa kanila sakaling i-invest nila ito, Dun lang lagi naka focus ang isip nila, basta pag may ilalabas or i-invest ayaw na nila agad sungaban ang oppotunity. Hangang dun lang ang isip nila. Ayaw nila isipin ang success na kalalabasan nito. Inisip nila agad lugi na sila simula palang. Kaya ayun... Walang asenso sa buhay, mahirap pa rin ''kung baga TAKOT SA RISK'''
...Miraluna 


"Kaya maraming naghihirap kc umaasa sa tulong galingsa government! At wala clng bukang bibig kng ndi "bahala na"or "mamaya na"

...Faith



"Wala silang sapat na kaalaman sa financial education, kaya majority ay dumedende sa ating gobyerno."
...Paolo


"Karamihan kasi sa ating mga Pinoy, komportable na sa buhay-mahirap. "Ganito lang talaga ako, dito lang talaga ako, ito na kapalaran ko, kaya tanggapin ko na mahirap lang talaga ako" or words to that effect. 

Iba ang mindset kasi ng 90% of Pinoys. Pag sinabi mo sa kaibigan mo, "Gusto ko maging milyonaryo", usual reaction is "Ang taas naman ng pangarap mo kaibigan. Tanggapin mo na lang kung ano meron ka at matuto kang magpasalamat doon. Wag mo na pangarapin maging milyonaryo." 


Believe me, most of the time eto sasabihin. Na para bagang isang napakalaking kasalanan kung may marami kang pera, na isa kang milyonaryo, o kahit mangarap ka man lang na maging milyonaryo. Kaya tayo di umaasenso. 


Kung baguhin lang natin ating mga pag-iisip, na hindi masama magkaroon ng maraming pera, hindi masama ang umasenso, kasi magagamit natin yun to bless others and to give hope to those hopeless. Money is a blessing if we can bring heaven here on earth, so kahit anong mangyari, I WANT TO BE RICH!"

...Arlene



"Bakit mayaman ang Pilipinas, mahirap ang maraming Pilipino? Marami naman kasi ang taong tamad. Wala nang inisip kundi ubusin ang oras sa pagsasaya, sa pagtulog, sa pagpapahinga,sa pag iinom, sa pagtsitsimisan, sa pag lilibang pero walang ginagawa na productive effort. Proverbs 20:13 If you love sleep, you will end in poverty. Keep your eyes open, and there will be plenty to eat!"
...Ricky



"Living in a poverty mindset and misinformed about the 
opportunity that the internet can offer."
...Edison
 

10 Tips How To Become Successful In Network Marketing


1. Choose the right Sponsor/Upline. - This is crucial to your success. Choose the right one that will and can help coach you and help you achieve the results that you want. If you've been in the Industry for quite awhile now and you are still struggling, maybe it's because no one is teaching you effective ways to build a downline organization. Looking for a Sponsor that will also become your mentor is vital to your success.

2. Choose the right Company for YOU. - Do some research to determine which company is Best for YOU personally. There's NO such thing as a Perfect Company. Meron lang ay yung Right Fit para sa'yo, para sa skills mo, para sa resources mo, at para sa passion mo. 

3. Realize that it will take Time. Network Marketing or M.L.M (multi level marketing) is real business and not a get rich quick scheme. You will need lots of patience and persistence. 

4. Have a Game Plan.
 Literally, write out your plan for building your business. You will have greater success than those who don't. Set and write all your goals and put them where you can always see them.


5. Study Successful People Specially Successful Network Marketers
 Study and observe the people that getting the results that you want. I learned a lot simply by observing other Internet Network Marketers and just following their foot steps. Inaral at ginagawa ko lahat ng mga ginagawa nila.

6. The Why is Very Important. - Why are you getting involved? Better lifestyle or Time Freedom or Financial security. Kaylangan alam mo kung bakit ka papasok sa industry na ito. Kaylangan ay alam mo kung bakit mo ginagawa ang business mo. Mas maganda din kung lahat ng downline mo ay alam mo kung ano yung reason nila bakit sila sumali at nag invest.

7. Invest In Yourself. - Buy Courses, Books, eBooks na makakatulong sayo para makapag acquire ng mga important skills na tutulong sayo na magka resulta. Attend company meetings and training calls. Kung hanggang ngayon ay hirap ka pading makapag recruit sa business mo, most probably ang isa sa mga reasons ay dahil may mga kaylangan ka pang skills na matutunan.


8. Use the Power Of Internet to Build your Business. Internet is a Very powerful tool na magagamit mo para mas mapalawak at mas mapabilis mo ang Growth ng organization mo. Use the internet for your prospecting efforts and for nurturing your Team. In my personal Team, we use Facebook Group Page to create a community and a central hub for our Team.

9. Have a Recruiting/Prospecting System - Create and Use a strong recruiting and prospecting system so that you and your team don't run out of people to introduce to in your business opportunity. Prospects at Leads ang gasolina ng business mo. Di ka dapat mauubusan at dapat ay tuloy-tuloy ang pag-generate mo ng Leads. Mas maganda din kung may ibat iba kang strategy para sa mga downlines mo sa pag-generate ng mga prospects. Because one prospecting strategy may be good for you, but it doesn't mean it's going to be fit for all your downlines. May mga kanya kanyang personality at skills ang bawat magiging partners. You need to teach them strategies na magfi-fit para sa kanila. Using both online and offline prospecting strategy is the best approach in building your organization. In our team, we teach both offline and online prospecting strategies to all our team mates.

10. Enjoy Your Journey To Success. :)
 

2 Ways How To Motivate Your Downlines

Paano ba i-mo-motivate ang ating mga downlines? There are 2 ways.
First, ikwento mo sa kanila ang analogy na 'to:
"Alam mo partner, maraming sumasali sa ganitong klaseng negosyo na ang akala pagkasali nila ay kikita kaagad sila ng malaki o magiging milyonaryo na sila kahit wala silang ginagawa. 

Dun sila nagkamali. It takes time, effort and consistency to become successful in network marketing.

Akala kasi ng marami ay parang Monggo ang business nila, na kapag itinanim nila kinabukasa o sa makalawa ay tutubo na at pwede na kagad kainin.

Mali yun!

Itong business natin ay parang puno ng Mangga!

Bakit?

Kasi magsisimula ang lahat sa itatanim mong buto. Tapos kaylangan araw-araw mong didiligan yung tinanim mong buto. Paaarawan mo din at kung minsan ay kakausapin mo pa. Medyo maghihintay ka ng matagal.

Minsan babagyuhin pa yung tinanim mo, pero kaylangang wag mong hahayaang tumuba yun. Kaylangan mo yung protektahan.

Pero eto yung maganda, Kapag tumubo na at kapag namunga na yung tinanim mong mangga, ang gagawin mo na lang ay mamitas ng bunga at kumain hanggang sa gusto mo. 

At ang pinaka malupit, kahit busog ka na sa kakakain, mamumunga parin ng mamumunga yung puno mo.
Ganun din dito sa business natin partner. 

Kung iilan-ilan pa lang ang downlines mo, Kung di mo pa nakikita yung results na gusto mo, Ibig sabihin kakatanim mo pa lang ng buto. At kaylangan mo din na araw-araw gumawa ng effort para diligan yung tinanim mo, para tuloy tuloy ang paglaki ng negosyo mo.

Minsan babagyuhin din yung negosyo mo dahil may mga challenges na dadating sa'yo pero dapat 'di ka hihinto at hindi ka susuko. Dahil pag ginawa mo yun tutumba talaga yung tinanim mo at hindi na yun magiging isang malaking puno.

Pero pag dumating yung panahon na lumago na at namunga na ang negosyo mo, alam mo na siguro yung mangyayari. Maghanda ka na ng madaming bagoong kasi mabubusog ka sa kakakain ng mangga. :)

2nd way to motivte your downlines turuan mo sila ng mga gagawin nila kung paano sila magkakaron ng resulta. Hindi kaylangang biglaang resulta, kahit paunti unti lang na resulta. Ang imortante ay may makikita silang PROGRESS sa business na pinasukan nila. Kasi kapag wala silang nakikitang progress sa business nila, mataas talaga yung chance na huminto sila at mag-quit.


Pero paano mo magagawa yun? Kaylangan you can walk the talk. Ibig sabihin kaylangan ikaw muna ang magkaresulta. If you want to learn how to get fast results in your network marketing or MLM business, CLICK HERE
 

Working the MLM Millionaire Numbers for Success



Has a nice ring to it, doesn't it? We interviewed a lot of them for this Network Marketing research project, and found some interesting stats on how they perceive, and work "the numbers" in MLM.
Most people have a fantasy about becoming a millionaire in network marketing, but that's all it truly is. Jjust a fantasy that lays in the mind of folks that most never even try to engage. 

As one number one earner said:
"The difference in me and most is that my Vision for becoming a millionaire was so crystal clear, and I didn't drive it, it drove me. It was something that was a calling almost, and it was never a fantasy, but a fanatical urging that wouldn't go away." 

Hmmm.Fanatical Urging, that wouldn't go away. He said that it simply became a PASSION in his life. THAT is a CLUE to what it takes to become a big success in MLM. 
Most see a fantasy, not a fanatic. As another number one earner said, "If people would get as excited about their company as they do a football game, they would be rich within 3 years." 
Excitement in MLM.

INFERNO Secret:

 If you are more excited about a football game than your business, you will fumble in MLM eventually. 
Another top earner said, "It's amazing how people yell at baseball or softball games, and then become strangely silent about their future, as if someone else was determining it."
The sad part, someone else usually is.

What was surprising is the perception with some folks that Millionaires in MLM got "lucky," and found the right people who did the work.  In rare instances that is true, but most millionaires I chatted with had a differing perspective on that, as well as the activity level that needs to be done when recruiting.
The most astonishing fact we found was that MLM Millionaires were "reality based" in understanding the TRUE numbers it takes for massive success, as most folks are Fantasy based. They think they can make 20 phone calls and get rich.

One top earner said," All I knew was I had to talk to 1000 people. That was what I was told to do. So I was on a mission to do that, and it ended up over 3000."
 Now she says, "I do what I want when I want, for how long I want with my kids. It is a miracle!" 
Here is a breakdown of what we found in the activity of the average, Successful,, and millionaire distributor: (from over 1400 responses and interviews) 
(All numbers part time. The millionaire numbers are what they averaged when they were part time. THAT will open your eyes!!!!!) 

The Numbers of The MLM Study on Success.

Hours worked a week: Average: 6 Successful: 12 Millionaire: 25 
Phone dials a day: Average: 5 Successful: 15 Millionaire: 50 
People talked to a day: Average: 1 Successful: 7 Millionaire: 15 
3 ways a day: Average: 1 Successful: 5 Millionaire: 15 
Presentations a week:(phone-face to face) Average: 2 Successful: 8 Millionaires: 20 
Leads collected a week: Average: 2 Successful: 20 Millionaires: 50 
Follow-ups a day: Average: 1 Successful:4 Millionaire: 10 
Sales a week Average: 1 Successful:3 Millionaires: 7 
No's gotten in a week: Average: 2 Successful: 10 Millionaires: 25 
Conference calls with guests weekly: Average: 0 Successful:2 Millionaires: 5 
Number of applications weekly: Average: 0 Successful: 1 Millionaire: 4  

As you can see, the part time millionaire activity level was as high as most full timers.

As you can see, activity with millionaires is much more intense that the average or even successful distributor. And in recruitingArticle Search, the numbers worked were so much more. 

How is your activity level?  Are you close to even the "successful?" 

May I suggest you be.....

Why? 

Your future lies within that answer in MLM and Network Marketing!