Buwanang dahilan ni Juan kung bakit hindi makapag-invest sa negosyo


1. JANUARY – Nagbabayad pa ng utang ng dumaang Pasko. Kinulang pa ang 13th month pay, daming namasko at pinapasko eh.

2. FEBRUARY – Valentines Day! Kakain sa labas, syempre yung sosyal na play. May regalo. Tapos Chinese New Year pa nga pala. 

3. MARCH – Graduation time. Siyempre ipaghahanda ng bonggang bongga.


4. APRIL – Summer vacation. Travel dito, travel doon. Pupunta sa beach.

5. MAY – Hays enrollment na naman. Taas na ng matrikula sa school (nagtaka ka pa?) 

6. JUNE – Simula na ng uma-umagang baon. Kailangan mo na rin bumili ng mga bago ng gamit sa school, magbayad ng mga fees gaya ng school bus at iba pa. 

7. JULY – Nagbabayad ka pa ng utang mo noh, kinapos ka sa pang tuition di ba? 

8. AUGUST – Ghost month! Di magandang mag invest. 

9. SEPTEMBER – mmmm… Mag iinvest na sana kaya lang narinig ang … whenever I see girls and boys selling lanterns on the street… ber month na pala! Wag muna, marami kang pag gagamitan sa pasko. 

10. OCTOBER – Naghahanda ka na sa Halloween. Syempre bakasyon uli, out of town. 

11.NOVEMBER – 2nd Sem na. Magbabayad ka na naman sa school. Di bale, malaki naman matatanggap mo next month. Bumale ka na lang sa boss mo. 

12. DECEMBER – Pasko na kaso, nagastos mo na yung pera last month. Umutang ka na lang muna. Kailangan maidaos ng masagana ang pasko. Pano na lang kung maraming mamasko sa inyo. Baka sabihin POOR ka.

Kumusta naman ang isang taon mo? Paano na yung ibang okasyon like birthdays? Oops fiesta pa nga pala. Eh yung mga emergencies like magkasakit ka at maospital? Ah oo nga pala,may mauutangan ka naman. Andyan naman si mommy at daddy,si kuya at si ate. Tutulong naman sila akin.

Sa tingin nyo pag ganito ng ganito taon taon ang takbo ng buhay nyo,anong bukas ang naghihintay sa inyo at sa pamilya mo?

Paano kung wala ng magpautang sayo? Paano kung nagsawa na kabibigay sina mommy at si daddy,sina ate at kuya? Ayusing maige ang kaperahan bago pa mahuli ang lahat.

Source: Financial Planning PH